Sey ni Cristy Fermin, madali para kay Vice Ganda na panindigan ang kaniyang payong manatili sa network sa kabila ng kawalan nito ng prangkisa dahil milyonaryo na ito, habang dinedepensahan si Sparkle GMA artist Zephanie Dimaranan nitong Martes.

“Magpakatotoo tayo. Nasasabi 'yan ni Vice Ganda dahil milyonaryo siya, marami siyang pera. Pero para sa isang batang gaya ni Zephanie na siya ang talagang tumatayong breadwinner ng kaniyang pamilya at itong bata ay nangangarap, nagsisikap; kaya nga siya nagkampeon diba? Ginawa ng bata ang lahat-lahat,” saad ni Cristy sa kaniyang programa.

Hindi rin pinalampas ng host ang usap-usapan at depensa ng fans ni Zephanie sa umano’y hindi na pag-renew ng ABS-CBN sa talent dahilan para mag-ober-da-bakod na ito sa Kapuso Network.

“At ano naman ang gagawin niya sa ABS-CBN. Napakarami ninyong artista diyan na wala ngang ginagawa, hindi pa ni-renew. Natural hahanap 'yung bata ng ibang bakuran kung saan siya maaaring kumita at matulungan. Ano namang kasalanan ni Zephanie du'n?” ani Cristy habang ipinuntong hindi lang nakatambad sa isang sulok ang biyaya at dapat ding hanapin ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil aniya sa hindi na ni-renew ng Kapamilya Network at may magandang offer ang GMA, wala nakikitang dahilan si Cristy para tanggihan ni Zephanie ang magandang oportunidad.

Habang sinusulat ang istoryang ito, wala pang kumpirmasyon mula ABS-CBN o sa kampo ni Zephanie ang bali-balitang hindi na nabigyan ng kontrata sa ABS-CBN ang young singer matapos ang mahigit dalawang taong pamamalagi sa Kapamilya Network.

Samantala, binira naman ni Cristy si Vice sa pagpapatuloy ng komentaryo at ipinuntong ang Kapamilya star ay dati ring nang-iwan sa ere ng mga taong tumulong sa kaniya bago ang tinatamasang kasikatan.

Wala pang reaksyon ang Kapamilya star ukol sa mga pahayag ni Cristy.