Target ng Commission on Elections (Comelec) na paikliin ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula 60 araw hanggang 40 o 45 araw.

“We don’t want our people to be harassed by candidates going here and there 60 days po kasi yun eh, before po kasi our campaign period was only 40, 45 in this case 60 days we’d like to reduce that,” ani Garcia sa isang panayam sa ANC.

Inihayag din ni Garcia na wala pang pinal na desisyon sa paglipat ng mga petsa ng ilang panahon lalo na ang petsa ng pagsisimula ng election period, gun ban, at kasabay ng paghahain ng certificates of candidacy mula Oktubre. 6 hanggang 13.

Samantala, ibinunyag din niya na ang National Printing Office (NPO) ay maglalagay ng mga bagong feature sa mga balota na ascending serial number na makikita lamang sa mga paper bill ng bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Now, voters, the public, and everybody can see that the serial number that will be put on the ballot will have an ascending number,” Garcia said ani Garcia.

“These are new features and so we would like to adjust the filing of the candidacy so that we can likewise adjust the printing of the ballots. To prove to one and all that the Comelec is really prepared in holding the election by December 5, 2022,” dagdag niya.

Binanggit niya na sa Comelec ay may batas at nakasaad sa batas na mayroong halalan sa Disyembre 5, 2022 at ang poll body ay “on the go” anuman ang magiging sitwasyon ng sa Senado o Kamara.

Dhel Nazario