Bukas nga ba ang kampo ni Vhong Navarro na pribadong pag-usapan nila ni Deniece Cornejo ang kinahaharap na kaso?

Ito ang tanong na sinagot ng television host at akusadong si Navarro matapos sumuko nitong Lunes sa National Bureau of Investigation (NBI) kasunod ng inilabas na warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014.

“Walang umabot sa aming balita na merong ganon [pag-uusap]; na gusto makipag-ayos, kahit kami rin wala naman,” pag-amin ni Vhong sa panayam ng ABS-CBN News.

“Kasi ako ang gusto ko lang mangyari, kaya ko naman silang patawarin. Actually, napatawad ko na sila. Mahirap kasi na magkakapatawaran kayo pero meron kayong kailangan gawin. Halimbawa kailangan mo mag-public apology,” dagdag ng komedyanteng aktor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Basahin: Vhong Navarro, sumuko sa NBI sa kasong acts of lasciviousness – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Giit muli ng aktor, inosente siya sa mga ibinibentang ni Cornejo.

“Number one, hindi ko naman kayang gawin 'yun kasi hindi ko naman ginawa ang binibintang sa akin. 'Yung parang ang dating inamin ko yun,” aniya.

Tila bukas naman si Vhong na pribadong mapag-usapan ang kaso.

“Pero kung gagawin namin para matapos ‘tong urungan ng kaso, baka pwede nating mapag-usapan,” anang aktor.

Gayunpaman, pag-uusapan din muna aniya ng kaniyang legal team ang nasabing hakbang.

Kagaya ni Navarro, iginiit din ng kaniyang legal counsel na si Alma Mallonga na ang kaniyang kliyente ang biktima.

“Si Mr. Navarro ay biktima ng serious illegal detention at grave coercion…Dahil nagreklamo siya, nagsampa naman ng kaso si Ms. Deniece Cornejo. Sinabo niya, ‘ni-rape ako nung January 22 [2014].’ Pero hindi ‘yan totoo,” muling saad ng abogadong si Mallongga.

“Sa CCTV, wala pang isang minute mula nang dumating si Mr. Navarro sa kanyang condominium, pumunta siya [Cornejo] sa elevator…Nakangiti, kalmado. Walang panghahalay o acts of lasciviousness na nangyari,” dagdag niya.