Sa pinakahuling episode ng interview series ni Celeste Tuviera kay Regine Velasquez, game na game na binigyan ng bagong kulay ni Songbird ang mga kantang pambata, folk songs, bukod sa iba pa.

Unang kinanta ni Songbird ang “A Dream is a Wish Your Heart Makes” sa sikat na Disney film “Cinderella.”

Hindi rin pinatawad ni Regine ang kantang pambata na “The Wheels on the Bus Go Round and Round” na ginawa pang soulful version ng OPM Icon.

Pagbabahagi ng Songbird, kabilang sa mga naging inspirasyon niya sa pagkanta noong nagsisimula pa lang ay sina James Ingram, Mariah Carey Carey, Anita Baker, bukod sa iba pa.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Hindi naman kinaya ni Celeste, na isa ring certified Reginian, ang bagong bihis na “Bahay Kubo” ng Songbird.

“Hindi ko kinakaya. Ang galing mo ate!” nasabi lang ni Celeste sa singer.

Ikinawindang din ng netizens ang parehong version na ini-upload sa Facebook dahilan para mauwi sa kuwelang comments ang mga netizens.

“Sa unang part parang nagrereminisce ng past, ta’s narinig na yung mga gulay shuta,” nakakaaliw na komento ng isang netizen.

“Tagos puso version!”

“Parang National Anthem naahh yung camera pang Hollywood!”

“Walang kupas!”

Sa huli, napa-standing ovation si Celeste kay Regine sa isa pang kantang pambata na ginawan nito ng sariling version.

Si Celeste, na matagal nang hairstylist ni Regine, ay matalik na kaibigan ng OPM icon.

Mapapanuod sa The Celeste Tuviera Channel sa YouTube ang kabuuang panayam ni Songbird tampok ang ilang mga rebelasyon nito ukol sa personal na buhay, career bukod sa iba pa.