Heads up, Eheads!

Kasunod ng kanilang cryptic social media posts kamakailan, sabay-sabay ding kinumpirma ng apat na miyembro ng Eraserheads ang kanilang muling pagtugtog bilang grupo sa darating na Disyembre.

Ito na ang pinakahihintay ng maraming Eheads matapos ang matagal nang panahong di nakitang magkakasama ang sina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.

Basahin: Eraserheads, nagpahiwatig ng reunion; fans, excited na! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Sa darating na Disyembre 22, tatlong araw bago ang Araw ng Pasko, magbabalik sa entablado ang tinaguriang “most influential band” ng OPM music scene.

Sa ibinahaging poster ng grupo, magaganap ang long-awaited concert ng grupo sa SMDC Festival Gounds sa Paranaque City.

Dahil sa kumpirmasyon, ngayon pa lang ay nagpahayag na ng excitement ang maraming fans ng grupo.

I-aanunsyo naman ang pagbubukas ng ticket sales sa mga susunod na araw.

Ang Eraserheads ang tinaguriang pinakamatagumpay na banda sa kasaysayan ng original Pinoy music (OPM) scene.

Taong 2002 nang mag-disband ang grupo matapos ang labintatlong taon.

Kilala ang grupo sa mga kantang “Ligaya,” “Pare Ko,” “Magasin,” “Alapaap,” “Ang Huling El Bimbo,” bukod sa iba pa.