Sisimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng mga balota para sa botohan ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Disyembre 2022 ngayong linggo.

Ang poll body ay magpapatuloy sa pag-imprenta sa kabila ng mga hakbang upang ipagpaliban ang eleksyon sa Disyembre 5.

“It will start on Wednesday,” sabi ni Comelec Chairman George Garcia sa isang panayam noong Lunes, Setyembre 19.

“We need to start printing. Otherwise, we may run out of time,” dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa hiwalay na advisory, sinabi ng Comelec, na ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota para sa Okt. 8, 2022 Ormoc City Plebiscite at ang Dis. 5, 2022 BSKE ay magsisimula kaagad pagkatapos ng pagsasapinal ng lay-out ng opisyal na balota gayundin ang paglagda sa bagong Memorandum of Agreement sa pagitan ng poll body at ng National Printing Office.

Muling iginiit ng poll chief na sakaling ma-postpone ang BSKE, hindi mauubos ang mga naimprentang balota dahil magagamit pa rin ito sa susunod na halalan.

Ganoon din, ani Garcia, ang iba pang mga election paraphernalia tulad ng mga ballpen, ballot box at indelible ink.

"Ang Comelec ay maglalabas lamang ng isang resolusyon na nagsasaad na ang mga balota para sa 2022 ay ang parehong mga balota na gagamitin natin sa 2023," aniya.

Nakatakdang mag-print ang Comelec ng mahigit 91 milyong balota para sa BSKE sa NPO sa Quezon City.

Leslie Ann Aquino