Hindi lamang ang mismong pagkapanalo ni Khimo Gumatay ng "Idol Philippines" Season 2 ang pinag-usapan sa grand showdown/finals na ginanap nitong Linggo ng gabi, Setyembre 18, kundi ang naging pabirong payo ni Asia's Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar Vice Ganda sa magiging susunod na Grand Idol Winner.

Matapos ang kaniyang performance para sa promo ng kaniyang nagbabalik na singing community game show na "Everybody, Sing!" na papalit sa time slot ng nagtapos na Idol PH tuwing Sabado at Linggo, nauntag siya ng host nitong si Robi Domingo kung ano ba ang maipapayo niya sa susunod na grand winner.

Ayon kay Vice, sana raw ay magkaroon pa ito ng maraming oportunidad. Maya-maya, tila napahinto si Vice Ganda at nag-isip.

"Sana mag-stay ka muna sa network," hirit ni Vice na ikinagulat at ikinatawa naman ng lahat, pati na ang mga huradong sina Moira Dela Torre, Gary Valenciano, at Regine Velasquez-Alcasid.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dapat daw ay maging matapang ang susunod na Grand Winner.

"Sa mananalo at sa lahat ng mga sumali na nagsimula naman na ang kanilang singing career, tapangan ninyo. Tapangan ninyo kasi lahat mering talent pero ‘do lahat matapang kaya bumibigay agad,” dagdag ni Meme.

"Sa napakaraming pagsubok na haharapin, hindi easy ‘tong showbiz. Hindi easy money. Akala nila easy money. Andami mong isasakripisyo dito at lahat yon kailangan may kasamang tapang kaya tapangan ninyo,” dagdag pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/18/vice-ganda-sa-bagong-idol-ph-grand-winner-sana-mag-stay-ka-muna-sa-network/">https://balita.net.ph/2022/09/18/vice-ganda-sa-bagong-idol-ph-grand-winner-sana-mag-stay-ka-muna-sa-network/

Si Zephanie Dimaranan ang Grand Idol Winner ng Season 1 kung saan isa si Vice sa mga umupong hurado, kasama sina Moira, Regine, at James Reid.

Nitong 2022 lamang ay nag-ober da bakod si Zephanie sa GMA Network at naging bahagi ng "All-Out Sundays", ang katapat na musical noontime show ng "ASAP Natin 'To" kung saan mainstay ang mga hurado ng nabanggit na singing competition.

Basahin: Zephanie sa kaniyang naging Idol Philippines journey: ‘Masaya ako na naging part yun ng life ko’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Agad na nag-trending sina Vice Ganda at Zephanie sa Twitter dahil "shade" umano ang binitiwang hirit ng award-winning host/comedian sa dating Kapamilya singer. Dinepensahan naman ng mga tagahanga ni Zeph ang naging desisyon ng paglipat nito ng network.

"Zephanie doesn't deserve the hate! How dare you make fun of a striving kid who just wants the best to support her family! And what good could you get from shading her on national tv and making her a laughing matter? Gosh! Toxicity at its finest! Duhh."

"Ikaw @vicegandako nasasabi mong mag-stay sa network kasi milyon na pera mo kaya okay lang sayo tapangan while ang isang tulad ni Zephanie, need mag-work. Ikaw ba magpapakain sa pamilya niya? Your shade is too much. You know how pure hearted si Zephanie. #idolph2thefinalshowdown."

"At the end of the day, I am proud to say na yung artist na sinusuportahan ko ay NEVER nang-humiliate, NEVER nang-downgrade, at NEVER nagsalita ng against sa network and/or any other artist. I will forever be proud of you and your genuine soul, Zephanie."

"Not even fan of Zephanie but here I am defending her, ang off lang talaga na i-shade ka sa national tv where's the professional Vice? Oh right he's been like that since before…"

May ilan namang netizen na nasa panig ni Vice at lumutang naman ang umano'y "loyalty" ng isang artist sa nagpasikat na network.

"Vice was the one who fought for Zephanie kaya naiintindihan natin kung somewhat may disappointment."

"Walang sinabing mali si Vice sa comment kayo lang nagbigay-kahulugan!!"

"Vice didn't directly aim that message for Zeph. It's subjected towards the next winner. Anong masama do'n sa sinabi niya na sana mag-stay sa home network yung mananalo? Like duh, it's rational. No hate for Zeph, but di maiiwasan isipin na iniwan pa rin niya ang network."

"Vice fought for Zephanie to be in the top 12 so siya talaga pinakamasasaktan."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Vice Ganda at Zephanie tungkol dito.