Kamakailan lamang ay pinag-usapan sa social media at talaga namang pumatok ang "No Bag Day" challenge na isinagawa ng isang pribadong paaralan sa Sariaya, Quezon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/14/mga-estudyante-kumasa-sa-nobagday-kabog-ang-wittiness-sa-kanya-kanyang-entry/">https://balita.net.ph/2022/09/14/mga-estudyante-kumasa-sa-nobagday-kabog-ang-wittiness-sa-kanya-kanyang-entry/

Mukhang naging inspirasyon naman ito ng isang pampublikong paaralan matapos mag-viral din ang isang estudyanteng kabaong naman ang dinalang alternatibong bag, at siyang nanalo ng ₱50 bilang "Most Expensive Bag Award".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/17/bigyan-ng-%e2%82%b150-yan-estudyante-kabaong-ang-dinala-para-sa-no-bag-day-challenge/">https://balita.net.ph/2022/09/17/bigyan-ng-₱50-yan-estudyante-kabaong-ang-dinala-para-sa-no-bag-day-challenge/

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ngayon naman, mukhang ginaya naman ito ng "Dipaculao National High School" sa Mucdol, Dipaculao, Aurora, para sa pagdiriwang ng kanilang founding anniversary.

"NO BAG DAY CHALLENGE💙💛" ayon sa kanilang Facebook post noong Setyembre 14, 2022.

"Isang magandang aral ng pagkamalikhain na naman ang naipamalas ng mga Batang Dipac High. Bukod sa kasiyahan ay maikikintal sa isipan ng bawat isa na hindi hadlang ang isang bagay na wala upang makapag-aral. Sabi nga'y kung gusto maraming paraan."

"Salamat sa mga mag-aaral na nakiisa sa gawaing ito," anila pa.

Hindi lamang mga mag-aaral ang nakiisa sa gawaing ito kundi maging ang mga guro.

"Kung malikhain ang mga Batang Dipac High, kanino pa ba sila magmamana?" ayon sa caption.

Isa sa mga nakatawag-pansin dito ay ang isang gurong ginawang tila backpack ang underwear.