Hinangaan ng maraming netizens at kapwa kasapi ng Iglesia ni Cristo ang content creator na si Kristel Fulgar dahil sa kaniyang pagsamba sa isang lokal ng INC sa Banwol Island sa South Korea nitong Linggo.

Matapos ang dalawang taon, nagbabalik si Kristel sa South Korea kamakailan matapos ang ilang beses na pagka-delay ng sana’y mas maagang pagbiyahe kasunod ng pagkakahawa ng Covid-17 noong Hulyo at aksidente ng kaniyang mom noong Hulyo.

Kaya ngayong Setyembre, hindi na napigil ang dating young actress at nakalipad na sa wakas patungong hallyu capital.

Sa kabila ng abalang schedule sa banyagang bansa, hindi naman nakalimutan ni Kristel na sumamba pa rin bilang kasapi ng INC.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa larawan na ibinahagi ng content creator, naispatan siyang nasa kapilya ng isang lokal sa Banwoldong, Asan sa Banwol Island.

Inspirasyon sa kapwa-miyembro ang naging dedikasyon ni Kristel para sa kaniyang pananalampataya.

“Kahit san ka pumunta di mo nakakalimutang sumamba.. kahanga-hanga ang iyong pananamplataya sa Diyos.. Isa kang huwarang kapatid na dapat tularan, saludo ako sa’yo kapatid na Kristel!” mababasang komento ng isang netizen sa social media post ng vlogger.

“Kaya sa’yo ko eh! Clap clap ka jan kapatid!”

“Absolutely gorgeous!!!🇮🇹

“I'm proud of you sister everywhere you go being active in the Church of Christ.”

“Kaya mas gusto kong panoorin ang batang ito dahil super family oriented. Napakabait na anak at may takot sa Diyos. Never ko narinig nagmura sa mga vlog nya di tulad ng ibang vlogger na ang papangit ng mga lumalabas na salita sa bibig.”

Basahin: Ruru Madrid, bumisita sa isang lokal ng Iglesia ni Cristo sa Seoul, South Korea – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Wow kakaproud, ganda ng kapilya. Ingat k jan s korea sis. God bless.🇮🇹

“Bilang isang kaanib sa INC alam mo na importante ang pagsamba,at yan ang katibayan na dala dala mo kahit saan ka mkarating pag araw ng samba hahanapin mo ang kapilya. Proud ako sayo kapatid!”

“Kabataang mananampalataya dapat tularan kahit san mapadpad di nakakalimutang maglingkod sa Ama!”

Maging ang mamamahayag at kapwa kasapi ng INC na si Ka Tunying ay proud din kay Kristel.

“Proud of you @kristelfulgar!” mababasa sa komento ng mamamahayag sa Instagram post ni Kristel.

Ayon sa content creator, mananatili siya sa Southn Korea sa natiitirang pang mga buwan ng 2022.

Ibinahagi rin ni Kristel sa isang YouTube vlog na plano niyang mag-aral sa banyagang bansa.