Inilabas na ng South Korean pop rock band na “The Rose” ang unang single ng kanilang upcoming “Heal” album matapos ang tatlong taon.

Muling nagbabalik ang sikat na bandang “The Rose” para sa kanilang comeback album at world tour ngayong 2022.

Noong Biyernes, Setyembre 16, inilabas na ng grupo ang unang single ng album na pinamagatang “Childhood.”

Maraming Black Rose, tawag sa fans ng grupo, ang agad na naantig at nagpahayag ng positibong komento sa kanta na nagpapaalala ng pagyakap at pagbabalik-tanaw sa kabataan ng bawat isa.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sabay-sabay na pinuri ng fans ang songwriting, tunog at konsepto ng official music video nito sa YouTube.

“This was my first ever comeback with The Rose and Black Rose, it's too emotional for me that I witness their comeback this year,” saad ng isang fan sa OMV ng kanta.

“This is absolutely beautiful, the lyrics are beautifully written and expressed a little too well, I am in absolute tears!”

“This is pure art. The lyrics, the visuals, and the musicality. It brings happy tears and all other emotions. It’s one of a hell roller coaster ride of emotions. Goosebumps!”

“I’m so speechless, they are surely pouring their heart into this song. I love them so much. Thank you guys for making this amazing song.”

“I can’t even write out how this song makes me feel, thank you The Rose for creating this masterpiece of a song.”

“I feel extremely compelled to leave a reaction. As a dancer, I was so touched by this music video. Such a large and diverse group of people, moving together as if one heartbeat is pushing them forward, is honest art. Then the song, the lyrics... honestly, it deserves all the praise I can give it but I'm not sure I have the words. Absolutely beautiful.”

“This song gave me chills, made me cry, made me smile, and remember who I have been and the dreams I want to accomplish. Never have I been so touched by a song. Leave it to The Rose to see us and know us all.”

“God it's so beautiful: the ambiance, the song, the lyric, the cinematography, and the dance, everything's just breathtaking”

“Music, vocals, lyrics, and mv. Everything's just so on point! Work of art! I have no other words to describe how beautiful the song is.”

“I think I’ve never fallen more in love with a songwriting than here, each of their songs is so special.”

Taong 2018 pa nang huling maglabas ng extended play record na "Dawn" ang banda kaya naman inaabangan na ngayon ang comeback album ng grupo matapos ang apat na taon.

Sa pag-uulat, may mahigit 530,000 views na ang music video ng “Childhood” sa YouTube, dalawang araw matapos mailabas noong Biyernes, Setyembre 16.

Sa parehong araw, nagbukas na rin ang physical album pre-sales para sa inaabangang comeback tracks ng The Rose.

Ilang Pinoy fans na ang nagpahayag din ng excitement para sa kabuuang “Heal” album na mapapakinggan na simula Oktubre 6.

Nakilala ang The Rose sa kanilang mga kantang “Sorry, “She’s In The Rain,” “Red,” bukod sa iba pa.

Sa Pilipinas, naitampok ang sikat na grupo sa Wish Bus, at Myx Channel ng ABS-CBN matapos ang kanilang matagumpay na concert sa Manila Samsung Hall sa SM Aura noong 2019.

Sa Oktubre rin nakatakdang umarangkada ang world tour ng grupo.

Ang The Rose ay binubuo nina Woosung, Dojoon, Hajoon at Jaehyung.