Tila may banat ang singer-actor na si Janno Gibbs sa salitang "confidential."

"Pag nag-withdraw ako ng 100K sa bangko at tinanong ako ni misis, 'para saan yan?' at sinagot ko ng 'confidential' basag ang mukha ko," saad niya sa isang pubmat na ipinost niya sa Instagram kamakailan.

Sa caption naman ay may nakalagay lamang na #confidential.

Wala mang nabanggit kung anong meron sa salitang confidential pero makikita sa comment section ng kanyang post na nirerelate ito ng ilang netizens sa politika.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

"HAHAHAHAHA SANA ALL MALAKI ANG BUDGET, SIR JANNO NO!"

"Para mas professional, ang dating "secret" ngayon "confidential" na ang term. this is politics and is only in the Philippines"

"ang daming tumatawa...alam kaya nila "hidden meaning" ng post mo? To think na supporters sila, ha? Qou vadis, Philippines?"

"Ok lng po yan Sir may nakaabang nmn na chopper after mag withdraw ng confidential si mister"

"kung tax naten yun, bakit may confidential? dapat all accounted for."

"Tama.. mag-aaklas at pipigain kung Saan mapupunta. Hay naku nman, anak siya ng tatay niya. Hindi makatao"

"confidential fund - established in 2016 Kung pwede lng sila basagin"

"yay, so don't do anything confidential, huwag gumaya sa masamang impluwensya"

"Tama,dapat lang may transparency.Ang kapal nga ng pagmumukha nung pinapasuweldo lang naman ng taong bayan tapos humihirit ng confidential funds,may mga shunga pa ngang nagtatanggol e,hindi yata naiintindihan ang meaning ng confidential fund,okey lang sigurong nakawan yung mga yon"

Naging mainit na usapin kasi ang tungkol sa P150 milyong confidential fund ng Department of Education (DepEd) maging ang P500 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP).

“The OVP and the DepEd are two separate entities. They are two separate departments of the government. And they have separate mandates as well," paliwanag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte saHouse appropriations committee budget briefing noong Setyembre 14.

“The success of a project, activity or program really depends on very good intelligence and surveillance because you want to target specific issues and challenges," dagdag pa niya.

Aniya pa, maaaring magamit ng DepEd ang naturang pondo upang tugunan ang problema sa karahasan, kabilang na ang sexual abuse, graft, corruption, illegal drugs, insurgency, terrorism, child labor, at iba pa.

Gayunman, nagpaliwanag na nitong Lunes, Setyembre 19, ang DepEd tungkol sa confidential fund.

Ayon sa DepEd, ito ay mayroong solidong legal na batayan, alinsunod sa Joint Circular 2015-01 ng Department of Budget and Management (DBM).

“Confidential expenses are allowed for all civilian offices, including the Department of Education. This has solid legal basis as provided under [Department of Budget and Management] Joint Circular 2015-01,” ayon pa sa DepEd.

“The threats to the learning environment, safety, and security of DepEd personnel are interlocking with the mandate of support to the national security of civilian offices,” dagdag pa ng ahensya.

Ayon pa sa DepEd, ang mga naturang isyu ay ilan lamang sa mga unlawful acts na nangangailangan ng suporta ng surveillance at intelligence gathering upang matiyak na ang mga proyekto ng kagawaran ay target-specific at magreresulta sa mas malawak na proteksyon ng kanilang mga personnel at mga mag-aaral.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/19/deped-nagpaliwanag-sa-%e2%82%b1150m-confidential-funds/