Inanunsyo ng Office of the Press Secretary na ang kapatid ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na si Irene Marcos Araneta ang magiging kinatawan ng pangulo sa state funeral ng namayapang reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II.
"Mrs. Irene Romualdez Marcos Araneta will be the President’s Special Representative who will attend the State Funeral of Her Majesty Queen Elizabeth II," ayon sa Facebook post ng OPS na pinamumunuan ni Atty. Trixie Cruz-Angeles.
"She will be accompanied by her spouse, Mr. Gregorio María Araneta III. Mrs. Marcos-Araneta and her spouse will be attending the events for the State Funeral beginning with the Lying-in-State of the Queen taking place today," dagdag pa sa press statement.
Kamakailan lamang ay ikinagulat ng lahat ang pagpanaw ng matriyarka ng monarkiya sa UK, noong Setyembre 8, 2022. Bago nito, inanunsyo na ng Buckingham Palace na nasa ilalim ng medical supervision ang reyna sa Balmoral Castle dahil sa iniindang health concerns.