Ang groundbreaking ng bagong catering area sa Malacañang ay "pag-aaksaya" lang pera ng mga nagbabayad ng buwis, anang isang grupo ng kababaihan.

Binatikos ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas ang pagtatayo ng bagong catering area sa Palasyo sa gitna ng lumalalang krisis sa ekonomiya.

“Kulang ang budget para sa [pagpapatayo] ng mga eskwelahan, pero mabilis makapaglaan ng pondo [pagpapatayo] ng catering area,” ani Brosas.

Ang pahayag na ito ay inilabas matapos i-post ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanyang Facebook page ang larawan ng groundbreaking ng nasabing catering area noong Huwebes, Setyembre 15.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“This is peak insensitive and a waste of people’s money,” ani Brosas.

Binatikos din ni Brosas ang pagsasagawa ng pamilya ng mga “extravagant parties,” habang ipinunto na ang lahat ng ito ay nagaganap habang ang mga Pilipino ay naghihirap sa gitna ng higit pang paghina ng piso at pagtaas ng bayad sa pampublikong sasakyan.

Samantala, ilang araw bago ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, hinimok ng women’s partylist ang publiko na labanan ang mga pagtatangka na i-glorify ang “legacy of plunder and corruption” ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Charlie Mae Abarca