Nagbigay ang Department of Education (DepEd) ng paliwanag hinggil sa kinukwestiyong ₱150 milyong confidential fund nito.
Sa isang pahayag nitong Lunes, Setyembre 19, sinabi ng DepEd na ang mga civilian offices, kabilang ang DepEd, ay may pahintulot na magkaroon ng confidential fund.
Ayon sa DepEd, ito ay mayroong solidong legal na batayan, alinsunod sa Joint Circular 2015-01 ng Department of Budget and Management (DBM).
"Confidential expenses are allowed for all civilian offices, including the Department of Education. This has solid legal basis as provided under [Department of Budget and Management] Joint Circular 2015-01,” ayon pa sa DepEd.
“The threats to the learning environment, safety, and security of DepEd personnel are interlocking with the mandate of support to the national security of civilian offices,” dagdag pa ng ahensya.
Matatandaang una nang dinepensahan ni Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd, ang naturang funds.
Aniya, maaari itong magamit upang tugunan ang problema sa karahasan, kabilang na ang sexual abuse, graft, corruption, illegal drugs, insurgency, terrorism, child labor, at iba pa.
Ayon pa sa DepEd, ang mga naturang isyu ay ilan lamang sa mga unlawful acts na nangangailangan ng suporta ng surveillance at intelligence gathering upang matiyak na ang mga proyekto ng kagawaran ay target-specific at magreresulta sa mas malawak na proteksyon ng kanilang mga personnel at mga mag-aaral.
"We hope that this will enlighten our stakeholders that DepEd does not only face problems with access, equity, and quality education but also has to contend with pressing issues on safety and security," anito paUna na rin namang nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa DepEd na i-rechannel ang kanilang₱150-milyong confidential funds upang tugunan ang mga learning shortages gaya ng laptops, mga libro at pagkuha ng mga school security personnel.