All-out ang suporta ni Miss Planet Philippines Herlene Budol para sa tatlong Binibining Pilipinas queen sisters na sasabak sa kani-kanilang international competition sa darating na Oktubre.

Dumalo nitong Lunes si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up sa send-off ng organisasyon para sa tatlong titleholders na nakatakdang sumabak sa international stage.

Si Gabrielle Basiano ng Borongan Eastern Samar ang pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental 2022. Dedepensahan niya ang kasalukuyang titleholder at kapwa Pinay na si Cinderella Obenita sa darating na Oktubre 14 sa bansang Egypt.

Sa Albania, dedepensahan naman ni Chelsea Fernandez ng Tacloban City ang ang korona ng kapwa Pinay at kasalukuyang Miss Globe titleholder na si Maureen Montagne sa darating na Oktubre 15.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Samantala, si Roberta Tomandong ng Laguna ang panibagong alas ng bansa sa mailap na Thailand-based Miss Grand International crown sa darating na Oktubre 25.

Sa kaniyang social media account, nanawagan si Herlene sa kaniyang libu-libong followers na suportahan ang kaniyang queen sisters sa kani-kanilang mga laban.

“Ipagdasal natin ang tagumpay ng mga Queens sa kanilang paglalakbay sa pag-uwi ng mga korona at bigyan ng pagmamalaki at karangalan ang Pilipinas. Proud Batchmate ko sila at hangad ko rin maka sungkit sila ng Korona para happy tayong lahat. Tagumpay ng isa ay tagumpay natin lahat.”

Matatandaang lilipad din ng bansang Uganda si Herlene sa Nobyembre para sa Miss Planet International 2022 competition.

Basahin: Herlene Budol, itinalagang Miss Planet Philippines 2022, kakatawanin ang bansa sa Uganda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid