NUEVA VIZCAYA -- Arestado ang 10 indibidwal na sangkot umano sa iligal na sabong sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya noong Linggo, Setyembre 18.
Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Junel Poski, Rocky Baguio, Jack Basatan, Deogracias Fernandez, Elno Palnac, Rufino Pindog, Winzel Baniwas, Reggie Ramos, Andy Bumato, and Ronald Durana.
Habang ang dalawang pang suspek na sina Jimmy Pasigon at Ronald Batchiliar ay nakaiwas sa pagkakaaresto.
Nahuli ng mga awtoridad ang mga suspek matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa isang source na may nagsasagawa ng iligal na sabong sa compound ng CCQ cockpit arena.
Kaagad tumungo ang law enforcement unit sa nasabing lugar na kung saan ang mga mahilig sa sabong ay nagsitakbuhan sa iba't ibang direksyon para iwasan ang pagkakahuli.
Gayunman, karamihan sa mga suspek ay nahuli ng mga rumespondeng tauhan ng PNP.
Ang mga nakumpiska sa raid ay ang anim na ulo ng live cockfighting roosters (Hulo), isang improvised cockfighting rink, at bet money na nagkakahalagang P5,845.
DInala ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang bagay sa Dupax del Sur Police para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Inihahanda na ngayon ang kasong paglabag sa PD 449 para sa inquest proceedings laban sa mga naarestong suspek.