Nabubulok na ang suplay ng bawan sa Lubang, Occidental Mindoro dahil na rin sa kawalan ng mamimili.
Ito ay sa gitna naman ng pagtaas ng presyo nito sa Metro Manila dahil na rin sa kakulangan ng suplay nito.
Nauna nang nanawagan sa Department of Agriculture (DA) si Lubang, Occidental Mindoro Mayor Michael Orayani, upang masolusyunan ang usapin at mabigyan na rin ng tulong ang mga magsasaka.
“Ang naging problema po diyan ay wala pong namili. Hindi naman po talaga dumami ang supply kasi ang nagtatanim po ng bawang ngayon ay hindi na po ganoon karami dahil napakababa na po ng presyo ng bawang ngayon,” lahad ng alkalde sa panayam sa telebisyon nitong Linggo.
“Kami po ay nananawagan sa DA na kung pupuwede po umuwi po sila sa amin at kami po ay nakahanda namang matuto kung ano man po ang puwede namin pang-agriculture, puwede naming itanim at pagkakitaan ng aming mga magsasaka," aniya.
Sa Metro Manila, aabot na sa₱300 ang bawat kilo ng bawang kahit bumagsak na sa₱30 ang bawat kilo nito sa Mindoro.