Pinasalamatan ng netizen na si Camille de Chavez ang impormasyong nakuha mula sa panonood ng teleseryeng "2 Good 2 Be True (2G2BT) ng ABS-CBN, na pinagbibidahan ng magkatambal in real life na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), matapos nitong magamit sa kaniyang lolo ang "FAST method".

Matatandaang naging trending ang isa sa mga episode ng serye noong Agosto nang gamitin ng nurse na si Ali (Kathryn) ang Function Analysis System Technique (FAST) method upang matukoy kung tinamaan ba ng stroke si Lolo Hugo (Ronaldo Valdez) na tinatawag niyang "Lolo Sir". Bukod sa epektibong pag-arte ni Kathryn, ikinatuwa rin ng mga netizen ang detalyeng ito dahil magagamit daw sa tunay na buhay.

Bagay na nangyari na nga sa sitwasyon ni Camille.

"I just want to express my sincere gratitude to the whole team of #2GoodToBeTrue, especially @bernardokath for releasing an episode about stroke awareness. I was able to perform the FAST Method last night with my lolo. Found out he had a stroke,” ani de Chavez.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Screengrab mula sa Twitter ni Camille de Chavez

Kaagad namang naitakbo ni Camille sa ospital ang kanilang lolo.

Nakarating umano ito sa kaalaman ng KathNiel, kaya nagpadala sila ng prutas at sulat para sa naratay na si Lolo Esing, na nagpapagaling na. Bukod dito, nakatanggap din si Camille ng video message mula sa dalawa.

“Thank you so much to the whole team of @2G2BTabscbn! The fruit basket, get well soon card and video greeting from @bernardokath and @imdanielpadilla made my lolo very happy,” pagpapasalamat ni Camille.

Screengrab mula sa Twitter ni Camille de Chavez