Itinanggi ng Manila Electric Company (Meralco) na nagkaproblema sa kanilang pasilidad na nagresulta sa limang oras na brownout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 kamakailan.

Sa pahayag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nagkaproblema umano sa loadside facility ng NAIA kaya nagkaroon ng power interruption nitong Biyernes.

"Batay sa resulta ng imbestigasyon, walang naging problema sa Meralco facilities at nakumpirmang loadside facility ng terminal angnagka-isyu," anito.

"Minabuti na rin ng Meralco na manatili sa site at mag-assist habang inaayos ng mga airport engineer ang nakitang problema sa kanilang facility," paliwanag ng tagapagsalita ng electric power distribution company.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Matatandaang16 international flights, bukod pa sa 15 na domestic flight, ang naapektuhan ng brownout.