Bakit nga hindi pinapayuhang gumamit ng rejuvenating set ang future brides isang linggo bago ang big day? Isang freelance artist at Interior Design major ang nakapanayam ng Balita Online para sa dagdag na konteksto kaugnay ng isang viral social media post kamakailan.

Umagaw ng atensyon kamakailan ang Twitter post ng isang makeup artist ukol sa paggamit ng skincare products na maaaring maging dahilan pa para mapurnada ang espesyal na kasalan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Para sa halos walong taon nang freelance makeup artist at Interior Design major ng Eastern Visayas State University na si Jonard Bueno, bagaman hindi masamang gumamit ng rejuvenating set, may dapat na malaman ang kanilang kliyente, lalo na ang mga bride.

Larawan ni Shaun Renomeron/Jonard Bueno

“Most importantly, kailangan ma-heads up ko yung client or bride one week before the wedding or event or kahit upon contract signing, kailangan ma-inform na si client about sa do's and dont's at ang pinakaimportante na dapat alam at hindi dapat gawin ni client or bride ang paggamit ng rejuvenating set before the event,” paliwanag ng Leyte-based artist.

Dagdag ni Bueno, “most of us, makeup artists, nahihirapan sa pag-apply ng makeup kasi once na gumamit ng rejuvenating set, pinapanipis ang balat sa face at nag babalat-balat pa ito which may cause sa hindi magandang texture ng face.”

Larawan ni Jonard Bueno

Nagiging masyadong oily din umano ang balat ng mukha dahilan para hindi epektibong kumapit ang makeup at sa halip ay “dumudulas lang” ito.

“As much as possible dapat ni-reremind na namin ang clients na hindi mag rejuv one week before the wedding kasi pag one week palang nag-rejuv, peeling and healing stage pa lang ‘yan so baka pa magkaroon ng open wounds at kung maglagay kami ng makeup products baka pa masyadong mag cause ng irritations sa skin,” dagdag na pagpupunto ni Bueno.

Larawan ni Jonard Bueno

Gayunpaman, paglilinaw ni Bueno, hindi masamang gumamit ng rejuvenating set na talaga namang nauusong pampa-glow up kadalasan ng mga kababaihan ngayon.

Maliban sa abot-kaya ay kumpleto pa ito sa sabon, exfoliating toner, cream, at SPF na kadalasa'y sabay-sabay inilalapat sa mukha.

“Okay lang mag rejuv pero 1-2 months ka na dapat tapos sa set para hindi na na sa peeling and healing stage ang skin para mas safe and para hindi mahirapan ang makeup artist,” saad ni Bueno.

Ang Leyte-based artist ay kasalukuyang third year Interior Design major na rumaraket din bilang event organizer, stylist, freelance makeup artist, bukod sa iba pa.

"Sobrang thankful lang din talaga ako sa aking team ang JVB Creations team na patuloy na naniniwala sa akin."

Kadalasang mga kliyente ni Bueno ay mula pa sa ilang bahagi ng Eastern Visayas kabilang ang Samar, Northern Samar, at Southern Leyte.