Isandaang piso kada 5 kilo ang ipinataw na presyo isang magsasaka sa kanilang mga aning luya o ginger, sa Cutar, Aritao, Nueva Vizcaya, para lamang maubos.

Ibinahagi ng netizen na si Wilma Baliton ang mga larawan ng pagtitinda ng isang magsasaka sa sidewalk upang hindi masayang ang kanilang mga ani. Lumalabas na ₱20 kada kilo ang naturang mga luya na sinisikap nilang ibenta, kaysa naman sa tuluyang mabulok, hindi mapakinabangan, at masayang lamang ang kanilang mga pinagpaguran.

Anila, nagkasabay-sabay raw kasi ang pag-ani ng mga magsasaka sa bayan ng Kasibu kayat marami ang produksyon ng luya.

Nanawagan naman ang mga netizen na suportahan ang mga magsasaka. Sana raw ay bilhin na ito ng mga mall at supermarkets.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"Please support our local farmers, pakiusap po! Please tulungan ninyo akong makiusap!"

"Government should help these farmers to process our gingers into powdered ginger tea or salabat."

"Suportahan po sana ang mga taong nagsisikap para my maihain tayo sa ating hapag… suportahan ang mga magsasaka at mga mangingisda."

"Para sa kanila, kahit sobrang bagsak-presyo ok na basta maibenta nila kaysa masira. Sana lang matulungan o mapagtuunan na ng pansin ng gobyerno ang problema ng mga kababayan nating magsasaka. God bless po, ka-farmers."