Dahil sa patuloy na pagtangkilik ng Middle East sa pelikulang “Katips,” mapapanuod pa rin ito sa rehiyon hanggang Oktubre 15 sa nasa 50 sinehan.

“After a successful back-to-back special screenings in Dubai and Abu Dhabi as first leg of Katips: The Movie World Tour, we are excited to announce that the movie has been extended and will not only be shown in United Arab Emirates but in Bahrain and Saudi Arabia as well,” mababasa sa Facebook post ng Katips Middle East.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Flop nga po pala, nilangaw sabi nila...kaya po nagdagdag pa ng mga Cinemas. Sige pa po bash pa more dahil tunay nga na kung sino ang ibinababa siyang lalong tinataas,” pahayag ng direktor ng pelikula na si Vincent Tañada nitong Sabado, Setyembre 17.

Patuloy na mapapanuod sa nasa 50 sinehan sa UAE, Bahrain, at Saudi Arabia ang naturang pelikula ukol sa Martial Law noong dekada ’70.

Una nang pinasalamatan ni Tañada ang mga Pilipinong nagbayanihan para sa matagumpay nilang international screening.