Inaasahang papalo na ng₱182 milyon ang jackpot ng GrandLotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa susunod na bola nito sa Lunes.

Nilinaw ni PCSO Vice Chairperson, General Manager Melquiades Robles, walang nakahula sa six-digit winning combination na20 - 06 - 29 - 18 - 52 - 44 ng GrandLotto 6/55 kaya't hindi naiuwi ang katumbas nitong jackpot na₱176,260,573.60, na binola nitong Sabado ng gabi.

Gayunman, mayroon namang 20 mananaya ang nagwagi ng tig-₱100,000 na second prize, para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

Sa pagtaya naman ng PCSO, posibleng tumaas ang premyo ng MegaLotto 6/45 sa₱50 milyon sa susunod na bola sa Martes, Setyembre 20.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Ang premyo naman ng Lotto 6/42 na bobolahin rin sa Martes ay nasa₱5.9 milyon matapos na matamaan ang jackpot nito noong nakalipas na bola.

Ang GrandLotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang MegaLotto 6/45 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.