Sabay-sabay na nag-update ng kanilang social media posts ang apat na miyembro ng Eraserheads tampok ang iconic inverted E na kilalang marka ng banda.

Sa kanilang Twitter, at Instagram posts nitong Sabado, Setyembre 17, parehong larawan ang makikitang ibinahagi ni Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

https://twitter.com/elybuendia9001/status/1570999632280571905

Mapapansin din ang inverted E sa official website ng grupo kalakip ang mga salitang, “Let Me Hear You Sing It.”

Agad itong napansin ng fans na nagpahiwatig ng pagka-excite sa matagal nang hinihiling na reunion ng grupo.

Maging ang bandang Parokya ni Edgar ay nagpahayag din ng saya sa tila pagbabalik na sa wakas ng banda sa music scene.

Matatandaan na noong Setyembre 2021, naging usap-usapan ang paghikayat ni Ely kay noo’y Vice President Leni Robredo na tumakbo sa May 2022 elections na tanging kondisyon ani Ely para sa reunion ng Eraserheads.

Gayunpaman, sa pag-uulat, wala pang kumpirmasyon o opisyal na pahayag ng grupo maliban sa nasabing cryptic posts ng mga miyembro.

Ang Eraserheads ang tinaguriang pinakamatagumpay at pinakaimpluwensiyal na banda sa kasaysayan ng original Pinoy music (OPM) scene.

Taong 2002 nang mag-disband ang grupo matapos ang labintatlong taon.

Kilala ang grupo sa mga kantang “Ligaya,” “Pare Ko,” “Magasin,” “Alapaap,” “Ang Huling El Bimbo,” bukod sa iba pa.