Inihayag sa opisyal na Facebook page ng "Office of the Press Secretary" ngayong Linggo, Setyembre 18, 2022, na pinag-iisipan na umano ng Department of Education (DepEd) na tanggalin ang administrative task sa mga guro at ibigay sa mga non-teaching personnel, upang mas makapagpokus sila sa paghahanda sa kanilang pagtuturo.

Tumutukoy ang administrative tasks sa mga paperworks na ginagawa ng mga guro, na madalas ay mas kumakain pa ng kanilang oras kaysa paghahanda at paggawa ng kanilang mga visual aid at learning plan.

"Maglulunsad ang Department of Education (DepEd) ng work-balancing tool na magsisiyasat ng oras ng trabaho ng mga guro upang alamin ang panahong kanilang ginugugol sa pagtuturo at pagsagawa ng pang-administratibong tungkulin," ayon sa post.

"Nais ng DepEd na ibigay ang mga matutukoy na pang-administratibong gawain sa mga non-teaching personnel upang maituon ng mga guro ang oras sa pagtuturo."

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Agree… pati grades ng mga bata dapat di rin teacher ang nagawa, ipasa na lang record sa gagawa."

"#DepEdPhilippines listen to the teachers and act on it. God bless us all!"

"Agree para naman makapahinga ang mga guro. Lunes hanggang Linggo nagtatrabaho sila 7am until midnight. Minsan hanggang madaling araw pa. Wala na silang pahinga. No wonder may mga namamatay na dahil sa overwork pero underpaid. Nawawala na rin time nila sa pamilya lalo na sa mga anak nila. Kaya sana maipatupad ito agad."

"Tamaaaa… they must focus in their teaching not with paperworks while employees of government offices are just only chatting and sitting!"

"It's about time so that teacher will focus MORE on the main goal, WHICH IS FULLY to educate and increase the power of literacy and numeracy to the students."

Ang kasalukuyang Kalihim ng DepEd ay mismong si Vice President Sara Duterte. Noong Huwebes, Setyembre 15, isinagawa ang Joint Press Conference ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd kung saan tinalakay at binigyang-pansin ang iba;t ibang isyu hinggil sa sektor ng edukasyon, gaya ng update sa proposal ng 2023 budget sa Kamara, pagbabawas sa workload ng mga guro, sexual harassment case, at ang classroom shortage, sa pangunguna nina OVP Spokesperson Atty. Reynold Munsayac at DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na ginanap sa tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa Mandaluyong City.