Mukhang matindi pa rin ang sama ng loob ng isang singer sa dating network na kaniyang pinanggalingan. Ramdam ito nang minsan itong mag-TikTok live. Siyempre marami ang naka-miss sa singer na ito kaya naman tanong dito at tanong doon ang mga followers niya at maging ang mga hindi nakafollow sa kaniya ganoon din ang naging reaksiyon. Sa madaling salita, nagkaroon ng interaction sa naganap na pagla-live.

Bukod sa tanungan portion, may mga nangumusta rin sa singer. Eh sa husay ba naman ng boses ng mang-aawit na ito, sinong hindi makaka-miss dito na lagi mong napapanood noon sa TV bago pumasok ang pandemic. Napaka-distinct naman kasi ng datingan ng kaniyang tinig kapag ito ay umaawit na. Kaya naman marami ang nanghihinayang na nawala siya sa mainstream. In fairness sa kaniya, itinuloy pa rin naman niya sa ibang platforms ang pagbabahagi sa mga tao ng bigay ng Diyos sa kaniya which is singing, para magbigay-aliw at kasiyahan. Pumatok naman ito sa mga netizens na kaniyang ikinatuwa.

Samantala, sa pagla-live ni singer sa TikTok, natanong siya ng isang netizen kung nami-miss ba nitong lumalabas o nagsho-show sa TV. Mabilis nitong sinagot na hindi raw at sakto lang at least nabubuhay pa rin daw siya. Sundot na tanong uli ng isang netizen kung may nami-miss ba itong mga katrabaho sa network na pinanggalingan niya. Kita sa pagsagot ng singer na ayaw niyang banggitin ang network na dati niyang kinabibilangan. Maging ang singing contest na naging produkto siya ay ayaw niya itong banggitin.

Never daw siyang naging close sa mga kapwa singers na naging kasama niya noon dahil aminado siyang hindi masyadong friendly. Hindi raw niya bini-belong ang sarili niya sa mga ito at hindi rin daw siya nakikipagchikahan. After ng work, umuuwi lang daw ito kaagad dahil siya mismo ang nagluluto para sa sarili niya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa pagpasok muli sa limelight, wala na raw siyang plano pero kung may magbubukas daw na pinto for another opportunity, go raw siya, pero kung wala naman, hindi na raw niya ito ipu-push. Kapag may invitation daw for guesting tatanggapin naman daw niya. Unlike before raw na winowork-out niya at sobrang focus makapasok sa mainstream. Tanggap na raw niya kung ano ang kaniyang katayuan sa ngayon. Dahil ang hirap daw ipilit ang sarili sa ayaw sa'yo. Sa sinabi niyang ito, mukhang may pinatutungkulan ang kaniyang mga salita. Yun na!