Hindi pa rin bumababa nang husto ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Ito ang inamin ng Department of Health (DOH) matapos makapagtala ng 2,367 na bagong tinamaan ng sakit nitong Setyembre 18.

Nasa 3,920,693 na ang kaso ng sakit sa bansa simula nang magsimula ang pandemya noong 2020, ayon sa ahensya.

Naitala naman ngDOH ang 3,831,743 na nakarekober sa Covid-19 habang umabot na sa 62,549 ang namatay sa sakit matapos maidagdag ang 35 pang binawian ng buhay nitong Linggo.

Nakita rin sa datos ng ahensya na nakapagtala sila ng mataas na kaso ng virus sa Metro Manila, Calabarzon (Region 4A) at Central Luzon.