Nanawagan ang isang senador na ipatigil na ang operasyon ngPhilippine Offshore GamingOperator(POGO) dahil sa bukod sa maliit lang ang ibinabayad na buwis ay nagdudulot pa umano ng perwisyo sa bansa.
Nilinaw ni Senator Imee Marcos, karamihan din umano sa kaso ng kidnapping sa bansa ay dulot ng industrya na nagbibigay ng masamang imahe ng bansa sa buong mundo.
“Hindi natin kayang i-regulate, katulad ng e-sabong itigil na iyan, tutal ang kinikita natin dyan ay₱6 bilyonna napakaliit. Duda ko malaki ang kita dyan sa under the table negotiation, ang alam ko₱50 bilyon ang kitaan dyan,” ayon sa senador.
Sa isinagawang pagdining sa Senado kamakailan, natuklasang nasa 20 sa 27 na insidente ng pagdukot sa bansa ay may kinalaman sa POGO.
ReplyForward