Nahaharap sa cyberlibel complaint ang abogado at political blogger na si Jesus Falcis kasunod ng isang komentaryo noong Enero laban kay Manila Times columnist Antonio Contreras.

Ito ang ibinahagi ni Falcis sa isang social media post kamakailan kasunod ng unang pagdinig sa kaso noong Huwebes, Setyembre 15.

Sa kopya na ibinahagi ni Falcis, partikular na inaakusahan ni Contreras ang abogado ng paglabag sa “Cybercrime Prevention Act of 2012” kaugnay ng isang political blog noong Enero 24.

Anang complainant, ang naturang blog ni Falcis, sa kaniyang “Jesus Falcis Blog” ay “defamatory and derogatory statements.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Partikular na ipinunto ng kampo ni Contreras ang bahagi ng blog ni Falcis kung saan tinawag siya ng abogado na “biased” laban sa noo’y Presidential candidate at Vice President Leni Robredo kasunod ng pagpapakalat umano ng fake news ng kolumnista kaugnay ng isang nakanselang Presidential interview noong Enero.

“And si Contreras, hindi lang biased against VP Leni pero may axe to grind siya. Yung judge na relative nya au kinasuhan at dinisbar ng Supreme Court dahil may biniktimang batang babae. Tinulungan ni VP Leni yung batang babae habang rineject yung hingi ni Anotonio Contreras ng tulong para sa relative nya na judge. Amd ever since then, puro fake news at kasinungalingan pino-post ni Contreras tungkol kay VP,” mababasa sa bahagi ng reklamong binigyang-pansin ni Contreras na nasa blog ng abogado.

Sa paghiling ni Contreras na burahin ang naturang blog at public apology mula kay Falcis, isang mariing pagtanggi lang ang nakuha ng kolumnista.

“I told him I could not do so because I was just exercising my constitutional right to freedom of speech to comment and criticize public figures like him - Contreras being a political analyst interviewed often by media, a columnist at Manila Times, and a blogger with 135,000 followers.

“I also told him to read my 20-page Counter Affidavit (compared to his 2-page Complaint Affidavit) where I explained why my post was not defamatory - that asking for help does not mean obstruction of justice and that asking for help for relatives is actually a virtue, not a vice or defect - and even if it was, there was no actual malice under the New York Times vs. Sullivan standard adopted by the Philippine Supreme Court,” tugon na depensa ng blogger ukol sa inihaing reklamo ni Contreras.

Pagtitiyak ng abogado, lalabanan niya ang nasabing kaso habang umaasa siya gayunpaman, na ibabasura ito ng Prosecutor’s Office.

“I will not be silenced. They did it to other anti-Marcos / kakampink bloggers unfortunately but as long as I can speak and write, I will not be silenced,” ani Falcis.

Samantala, nagpaabot ng pasasalamat ang abogado sa patuloy na suporta na natatanggap kasunod ng reklamo.

Hindi na rin nagdalawang-isip na manghingi ng tulong-pinansyal ang abogado, isa ring pro bono lawyer, para sa halagang bubunuin para sa kinahaharap na kaso.

“So I’m not ashamed to ask for financial support. What I’m fortunate or happy with is that kakampinks themselves urged me to ask for support,” mababasa sa kaniyang Facebook post noong Sabado habang proud na sinabing ang “Kakampinks” ang kaniyang backer sa laban.

Sa darating na Setyembre 29 nakatakdang ganapin ang ikalawang hearing ng nasabing reklamo.