Pinasalamatan ni 'Wowowin' host Willie Revillame ang ABS-CBN dahil sa pagbebenta umano nito ng kanilang transmitter sa AllTV. Ito ang naging daan kung bakit napapanood ngayon sa telebisyon ang bagong network.
Sa episode ng 'Wowowin' nitong Biyernes, Setyembre 16, hayagang sinabi ni Revillame ang tungkol sa transmitter ng ABS-CBN.
“Para malaman niyo po ang katotohanan, yung pong antenna ng ABS-CBN po – salamat naman sa ABS ipinagkaloob na po sa amin ‘yan sa ALLTV.Maraming salamat. Thank you so much, of course, the president, the chairman, si Mr. Carlo Katigbak, Mr. Mark Lopez, Boss Gabby (Lopez), maraming salamat,"aniya.
“Kasi kung hindi naman nila ipinagkaloob sa atin yung antenna… We're so thankful, ipinagkaloob sa atin ng ABS-CBN yung antenna na ‘yan, yung transmitter. Kung wala po ‘yan, hindi niyo kami mapapanood sa analog. We’re so thankful," dagdag pa ng host.
“Sana, magkasama-sama tayo uli. Yung ibang mga programa na magaganda, maisama natin dito. Ganoon lang naman ang buhay, 'di ba, there’s always forgiveness in your heart. Ang importante, ang bida dito yung mga manonood.”
Sey pa ni Willie na malaking bagay ang ginawa ng ABS-CBN sa pagbebenta ng transmitter nila.
"Kung hindi ito ipinagkaloob ng ABS-CBN hindi rin naman tayo mapapanood eh kaya malaking bagay yung ginawa (ng ABS-CBN). Hindi po nila ipinagdamot eh. Sa totoo lang, infairness, ang bait din nila ha. Pwede naman nilang hindi ibenta yan, pero ibinenta pa rin. Salamat po ha. Thank you so much."