Matapos ililok si dating Vice President Leni Robredo noong Marso, ang pagkapanalo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. naman ang naging inspirasyon ngayon ng rising global artist na si Jef Albea para sa panibagong obra maestra -- ang “Itinadhana.”

Gawa ang modernong iskultura ni Jef sa porcelain airdry, brass stell, minute glass beads at Swarovski crystals.

Bagaman aminadong hindi masugid na tagasuporta ng Pangulo, naniniwala at nagdarasal ang visual artist na tutuparin ni Marcos ang mga naging pangako nito sa bansa.

“I still trust that everything happens for a reason and since it's already the reality, let us support and help each other to accept and live peacefully,” ani Jef sa panayam ng Balita Online.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa nasabing obra, kinilala rin ni Jef ang gampanin ni First Lady Liza Araneta Marcos bilang tagapayo ng Pangulo sa susunod na anim na taon.

Sa kabuuan, representasyon aniya ng “equality, big hope and acceptance” ang kaniyang panibagong obra na hangad ding “ipakita ang katotohanan na nangyayari, at kailangan nating mabuhay at aralin kung paano tanggapin, mamuhay sa katotohanan at sumuporta na lang kung ano ang natitirang pagasa ng bayan.”

Bago nito, una nang nag-viral si Jef matapos maging inspirasyon si dating Vice President Leni Robredo sa kaniyang koleksyon ng mga komplikado at nakamamanghang obra.

Basahin: KILALANIN: Jef Albea at ang kanyang nakamamanghang mga iskultura – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dating fashion designer, si Jef ay nakikilala ngayon bilang isa sa mga rising visual artists na naglunsad ng ilang matagumpay na art exhibit sa loob at sa labas ng bansa.

Sa Setyembre 23, nakatakdang buksan ni Jef ang kauna-unahang exhibit sa “City of Lights” sa Paris.