Hindi pinalagpas ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya ang pasaring ng isang netizen na nagsabing kaya raw nagti-TikTok ang isang artista dahil naghihirap na raw.

In fairness kay Betong hindi ito napikon o nagalit. Gusto niyang itama ang pag-iisip nung nagkomento. Ipinaliwanag niya nang maayos habang kausap ang mga pumapasok sa kanyang live TikTok at ang mismong nagcomment nito.

Sey niya “Hindi ba puwedeng nag-eenjoy lang diba? Nag-eenjoy lang kaya nagla-live diba. So parang… ikaw ba kunyari regardless hindi artista kayo ba gusto ninyong sabihan sa inyo guys na porket nagti-TikTok kayo eh naghihirap na? Pangit diba.”

Sambit pa ni Betong na huwag naman daw ganoon. Happy happy lang daw at good vibes lang. Maging sensitive naman daw dahil kahit naman komedyante siya, ang mga artista raw ay may feelings din. Kung may moods ang mga netizens may moods rin daw ang mga celebrities. Support na lang daw sa mga hinahangaang artista.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kaya naman daw nagla-live si Betong dahil nag-eenjoy siya dito. Bukod sa napo-promote niya ang kanyang mga social media accounts ay mahalagang nakakausap ang mga tagasuporta niya.

Pag-amin ni Betong magtu-two months pa lang daw siyang nagla-live bagamat noong 2020 pa ang TikTok niya. Ito raw ang paraan niya para i-promote ang family sitcom nilang “Tols” sa GTV.

Giit pa ng mahusay na komedyante, may trabaho naman daw siya at sobrang happy and blessed.

Ilang beses na rin umano na-experience ni Betong sa pagti-TikTok live na pareho ang sinasabi ng mga netizen na kaya raw nagla-live dahil naghihirap na, kaya minsan medyo nao-offend na raw ito.

Grabe raw ang mga netizens sa TikTok wagas kung magcomment. Kahit makasakit ng damdamin ay walang preno. Ang matindi pa raw kapag ibina-lock mo gagawa naman daw ng bagong account para mambash uli.