Matapos ang ilang buwang paghahanda, ibabahagi na sa publiko ang “Museo ng Pag-asa” na ani Angat Buhay Chairperson Leni Robredo, tahanan ng mga naging alaala sa inilunsad na people’s campaign noong May 2022 elections.

Ito ang inanunsyo ni Robredo, Sabado, Setyembre 17, sa mga tagasuporta sa kaniyang social media post.

“This museum houses the memories of our people’s campaign—the hope, love, and creativity that continues to inspire our work. But more than this, it stands as yet another proof of generosity and bayanihan,” ani Robredo.

Dagdag niya, hindi gumastos para sa proyekto ang Angat Buhay Foundation.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Special thanks to the Rodriguez family, who offered their home for our Angat Buhay office and the Museo ng Pag-asa, and to our partners and volunteers who worked hard to transform this space,” saad ng tagapangulo.

Matatandaang naging malikhain at makulay ang naging kampanya ni Robredo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“During the course of our people’s campaign, we received many, many gifts and tokens from you—most of which represented your hometowns and cities. We have dedicated an area to showcase these via a rotating exhibit,” pagbabalik-tanaw ng dating Vice President.

Mula Martes hanggang Sabado, simula Setyembre 20, tatanggap ng 50 guests kada oras ang museo.

Ilan paalala din kagaya ng pag-book ng confirmation online bago ang pagsadya sa museo, at pagpresenta ng identification at vaccination card sa araw ng iskedyul, bukod sa iba pa, ang ipinunto ni Robredo sa kaniyang anunsyo.

Bukas ang museo mula ika-10 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon.