Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang Instagram post ng premyado at batikang aktor na si John Arcilla tungkol sa pagsusuot ng face mask.

Ayon sa Instagram post ni Arcilla noong Huwebes, Setyembre 15, gagawin niya ito alang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng kaniyang kapwa, may regulasyon man o wala.

View this post on Instagram

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"May regulasyon man o wala ay PIPILIIN KONG SIGURADUHIN na ligtas ang aking sarili sa VIRUS at ISAALANG-ALANG ANG KALUSUGAN ng iba lalo na sa MATATANDA at PAMILYANG uuwian ko," ani John.

"ISUSUOT ko ang FACE MASK sa labas man o loob ng gusali maliban sa sarili kong tahanan PARA PANGALAGAAN ang lahat."

"Mas higit na ayaw kong MAGDUSA SA PAGKAKASAKIT o BAWIAN NG BUHAY ang mga mahal ko, maging ang aking sarili, kaysa MAGBAKASAKALI at hubarin ang face mask na PANANGGALANG ko sa kahit anumang uri ng virus o sakit na maaari kong masagap at maikalat sa mga tao na uuwi rin sa kani-kanilang PAMILYA."

"Hindi KALAYAAN ang itaya ang sarili sa PELIGRO," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/15/may-regulasyon-man-o-wala-john-arcilla-magsusuot-pa-rin-ng-face-mask-alang-alang-sa-kapwa/">https://balita.net.ph/2022/09/15/may-regulasyon-man-o-wala-john-arcilla-magsusuot-pa-rin-ng-face-mask-alang-alang-sa-kapwa/

Makikitang nag-like din sa kaniyang IG post ang aktres na si Cherry Pie Picache.

Matatandaang nagpalabas ng executive order no. 3 si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. hinggil sa boluntaryo na lamang na pagsusuot ng face mask kapag nasa pampublikong lugar, kung ito ay walang masyadong tao at may maayos namang bentilasyon.

Sa panibagong IG post nitong Setyembre 16, sinabi ni "Heneral Luna" na tinatanggap at iginagalang niya ang mga netizen sa kanilang opinyon tungkol dito.

"Iginagalang ko ang desisyon ng bawat isa. Sa ganang akin, ang KALAYAAN ay ang kapangyarihang pumili para ilayo ang sarili at ang iba mula sa PELIGRO o tiyak na kapahamakan," aniya sa isang quote card.

"Ang Kalayaan ay may kalakip na RESPONSIBILIDAD kaya may regulasyon man o wala ay PIPILIIN KONG SIGURADUHIN ligtas ang aking sarili sa VIRUS at ISAALANG-ALANG ANG KALUSUGAN ng iba lalo na sa MATATANDA at PAMILYANG uuwian ko," pag-uulit niya sa kaniyang mga naunang pahayag.

Bukod kay John, ganito rin ang naging pananaw ng isa pang batikang aktor na si Romnick Sarmenta.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/13/romnick-kebs-sa-palasyo-magsusuot-pa-rin-ng-face-mask/">https://balita.net.ph/2022/09/13/romnick-kebs-sa-palasyo-magsusuot-pa-rin-ng-face-mask/