Pasok na sa final showdown ng Idol Philippines sina Kice, Ryssi at Khimo habang nagtapos na ang Idol journey nina Bryan at Ann Raniel nitong Sabado.

Nagbabakbakan muli ang Top 5 para sa kanilang mga pangarap.

Kinanta ni Bryan sa unang round ng final showdown ang “Bawat Daan” ni Ebe Dancel habang “You’re Still The One” naman ni Shania Twain ang piyesang napili ni Khimo.

Isang OPM classic ni Dulce naman ang napili ni Ann habang “Nadarang” ni Shanti Dope ang pangmalakasang offering ni Ryssi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa huli, muling hinarana ni Kice ang manunuod sa kaniyang version ng kantang “Di Na Muli” ni Janine Teñoso.

Matapos ang pinagsamang votes ng judges at ng fans, tanging sina Ryssi, Khimo, at Kice ang napiling umusad sa kompetisyon habang natapos na sa kanilang Idol experience sina Ann at Bryan.

Sari-saring reaksyon naman ang mababasa sa social media post ng Idol Philippines kasunod ng resulta.

Basahin: ‘Kapangyarihan’ ng text votes!’ Idol PH judges, ‘devastated’ sa pagkakatanggal kay Nisha Bedaña – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kalakhan dito ang tila dismayadong fans kung saan tinawag pang “cooking show” ang naturang kompetisyon.

Hindi ito ang unang beses na naging usap-usapan ang resulta ng kompetisyon.

Basahin: Top 20 ng Idol Philippines S2, pinakilala na; ilang netizens, dismayado sa resulta – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Una nang ipinunto ng mga judges na sina Chito Miranda at Regine Velasquez na malaking bagay ang pagboto sa kompetisyon na kadalasa’y malaking factor sa resulta ng kompetisyon.

Ngayong Linggo, Setyembre 18, malalaman na ng bansa ang ikalawang grand winner ng Idol Philippines.

Basahin: Zephanie sa kaniyang naging Idol Philippines journey: ‘Masaya ako na naging part yun ng life ko’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Zephanie Dimaranan ang kauna-unahang Idol Philippines winner noong 2019.