Kamakailan lamang naging viral sa social media ang pagkasa ng mga mag-aaral sa St. Joseph Academy of Sariaya, Quezon (SJASQ) matapos nilang isagawa ang #NoBagDay.

"This week started with something new and interesting as Josephinians and Mission Partners participated in the challenge that showcased their creativity and uniqueness. As a part of the season of creation celebration, Josephinians brought unusual bags to carry their books, portfolios, and food," pahayag ng SSG - SJASQ.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/14/mga-estudyante-kumasa-sa-nobagday-kabog-ang-wittiness-sa-kanya-kanyang-entry/">https://balita.net.ph/2022/09/14/mga-estudyante-kumasa-sa-nobagday-kabog-ang-wittiness-sa-kanya-kanyang-entry/

Lumabas naman ang pagiging malikhain at resourceful ng mga mag-aaral at guro dahil iba-ibang mga gamit ang dinala nila gaya ng maleta, timba, paso, kulungan ng pets, batya, beer case, storage box, sirang electric fan, at marami pang iba.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"The Season of Creation's main purpose is for humankind to celebrate God's wonderful gift of creation which is all around us, with the hope that as we celebrate, we will also be reminded to take good care of Mother Earth, our world which is our only home. “Sister Mother Earth," as St. Francis of Assisi calls her, our world. Anything can be something when we sprinkle a little of our creativity on it," anang student council.

Tila nagkaroon naman ng ideya ang iba pang mga paaralan at ginaya ito. Usap-usapan ngayon ang Facebook post ni "Alexander Troy Mariano" kung saan makikitang isang mag-aaral ang nanalo ng "Most Expensive Bag Award" matapos niyang magbitbit ng kabaong bilang bag.

Screengrab mula sa FB ni Alexander Troy Mariano

Bukod sa sertipiko ng pagkilala ay nanalo pa siya ng tumataginting na ₱50.

Hindi pa tukoy kung saang paaralan ito isinagawa.