Ipinagmalaki ng "Sta. Cruz Tourism" ang latest trailblazer awardee at oldest climber ng Bundok Apo sa Davao City na si Pascacio M. Carcedo mula sa naturang lungsod, 83 anyos, at kilala bilang "Tatay Casio".
Naakyat umano ni Tatay Casio ang ituktok ng pinakamataas na bundok sa Pilipinas noong Setyembre 11, 2022, ayon sa Facebook page ng Sta. Cruz Tourism.
"Tatay Casio, as his guides and climb mates call him, summited Mt. Apo via Sta. Cruz Boulder Face Trail on September 11, 2022 through the assistance of Lito Palao and Armel Senedo, all members of Sta. Cruz Mount Apo Guides Association. He attributed the success of his climbs with the services provided by his guides during the whole course of the expedition."
Bukod sa Bundok Apo, naakyat na rin ni Tatay Casio ang iba pang mga bundok sa Sta. Cruz bilang paghahanda, kaya masasabing sanay na sanay na siya sa ganitong klaseng gawain.
"Prior to his Mt. Apo assault, Tatay Casio scaled the three minor mountains in Sta. Cruz as part of his preparation. He climbed Bamboo Peak in Jose Rizal twice before completing Mt. Loay in Zone 2 and Mt. Dinor in Sinoron, making him the latest and the oldest recipient of the STA. CRUZ TRAILBLAZER AWARD."
Kaya nang bumaba si Tatay Casio noong Setyembre 12, 2022, isang special citation award ang sumalubong sa kaniya bilang "Oldest Climber" na nakaakyat sa ituktok ng Apo. Nahigitan umano ni Tatay Casio ang isang Singaporean national na nakaakyat na rin sa Apo noong 2021, sa gulang na 80.
"From the entire Municipality of Sta. Cruz community, Sta. Cruz Tourism, and Sta. Cruz Mount Apo Guides Association, accept our warm congratulations Tatay Casio," pagbati pa ng Sta. Cruz Tourism.