Nagpaabot ng pakikiramay si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Ibinahagi ito ng bise presidente sa kanyang Facebook page nitong Huwebes, Setyembre 15.

"Nagpaabot po ako ng aking pakikiramay ngayong hapon sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II. Pumunta ako sa British Ambassador’s residence para sa signing ng condolence book," ani Duterte.

"Sumalubong po sa atin si British Embassy Manila Political Counsellor Iain Cox, na tumayo bilang kinatawan ni British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Kaisa po tayo ng Royal Family at lahat ng mga nagdadalamhati sa pagpanaw ni Queen Elizabeth," paglalahad nito.

Noong nakaraang linggo ay nakiramay rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening,” saad ni PBBM sa kanyang Facebook post.

“She exemplified to the world a true monarch’s great dignity, commitment to duty, and devotion to all those in her realm.

“We, together with many Filipinos living and working in England, though not subjects of the Queen, have found ourselves having developed a great sense of affection for her as a Queen, as mother, and as a grandmother.

“The world has lost a true figure of majesty in what she demonstrated throughout her life and throughout her reign as Queen,” paglalahad niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/09/pangulong-bongbong-marcos-nakiramay-sa-pagpanaw-ni-queen-elizabeth-ii/