Personal na humingi ng paumanhin ang photographers na kumuha ng mga larawan sa isang kasal na nag-viral dahil karamihan sa resulta ng mga ito ay hindi klaro — kung hindi sobrang liwanag ay sobrang dilim.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Caren Estrera Kindla na humingi ang mga ito ng dispensa at sinabi na aayusin na daw ng mga ito ang mga larawan.

"'Yong reaction nila nung una, parang wala lang hanggang sa tumagal na nag-viral na tlg sinubukan akong kausapin na aayusin na daw nila at sna dw mapatawad ko sila sa mga lapses nila," ani Caren.

Dagdag pa niya, kung inayos lamang ng mga ito ang kanilang trabaho ay hindi na sana magva-viral ang mga larawan na kuha nila.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Matatandaan sa naunang post, inilarawan ni Caren na "irresponsible at unprofessional," ang naging serbisyo ng mga na-hire nilang photographer at videographer sa kanilang kasal matapos maghintay ng apat na buwan sa kanilang wedding photos — ngunit ang resulta, para sa bride ay hindi kaaya-aya.

BASAHIN: Bride, dismayado sa photographer sa naging resulta ng mga larawan ng kanilang kasal

Idinaan na lamang sa isang series na Facebook posts ni Caren ang kanyang pagkadismaya sa mga larawan mula sa isa sa mga pinakamasayang araw sa kanyang buhay.

Samantala, bumuhos naman ang suporta sa bride dahil ang netizens, sinubukan i-recover ang mga larawan sa pamamagitan ng husay ng mga ito sa photo editing.