Lagpas na sa inaasahang koleksyon sa buwis para sa Agosto ng taon ang ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Biyernes, Setyembre 16.
Tinukoy ng BIR angnalikom nilang₱228.938 bilyon, mas mataas kumpara sa target na₱219.172 bilyon para sa naturang buwan.
Pagbibigay-diin ng BIR, mataas ng 23.03 porsyento ang nakolektang buwis ngayong buwan kumpara nitong Agosto.
Isinapubliko ng ahensya na tumaas ng 12.25 porsyento ang nakolekta nilang buwis mula Enero hanggang Agosto na umabot sa₱1.559trilyon, kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Sinabi ng BIR na nakatulong ng malaki sa kanilang pangongolekta ng buwis ang
Binanggit pa ng ahensya na posibleng makatulong sa pagpapaangat ng kanilang tax collection ang pagpapatupad ng digitizing collection at iba pang proseso ng gobyerno.
Dahil dito, lalo pang mapalobo ng BIR ang pondo upang suportahan ang mga social project at iba panginfrastructure developments sa bansa.