BATANES -- Bukas na ang Batanes Residential Care Center, isang tatlong palapag na pasilidad na itinatag para kumupkop sa mga mahihirap na senior citizens.

Malugod na tinanggap ni Gobernador Marilou H. Cayco si Milagros “Auntie Mila” Cadiz bilang unang pagsisilbihan sa home for the aged.

Mayroon siyang mga tagapag-alaga sa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ayon sa pamahalaang panlalawigan.

Ayon sa ulat, si “Auntie Mila” ay isang indigent at bulag na Senior Citizen na nakatira mag-isa sa kanyang maliit na bahay sa isla munisipyo ng Sabtang.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Siya ay sinamahan ng PSWDO staff noong Miyerkules sa kanyang paglipat mula sa Sabtang.

Batanes Provincial Government/Facebook

Sa paglipas ng mga taon, siya ay nasa ilalim ng pangangalaga ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan.

Naging inspirasyon si Governor Cayco sa pangunguna sa kauna-unahang Residential Care Facility sa probinsya dahil sa sitwasyon ni Auntie Mila.

Ang Batanes Residential Care Center, ay tutulong sa mga senior citizen na walang pamilyang maaasahan. Ganun din para sa Bahay Pag-Asa for Children in conflict with the law (CICL), Children at risk at mga inaabusong kababaihan.

Ito ay testamento ng Serbisyong Mula sa Puso ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes sa pamumuno ngi Cayco na ang pinakabulnerableng miyembro ng lipunan ay sentro ng kanyang pamamahala at mga priyoridad.