Kahit maraming hindi makapaniwala, kumpirmadong si Jovelyn Galleno ang kalansay na natagpuan ng awtoridad ayon sa initial result ng eksaminasyon na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa bagong episode ng “Raffy Tulfo in Action,” isiniwalat nila ang initial result ng isinagawang deoxyribonucleic acid (DNA) test sa biktima at positibong si Jovelyn nga ito.

Ayon naman sa host na si Senador Raffy Tulfo, hindi pa magawang isapubliko ang full result dahil nagsasagawa pa ang NBI ng mas malalim na pagsusuri.

"Ang resulta po ng NBI, doon po sa ginawang pagte-testing nila doon sa natagpuang bungo sa Puerto, na sinasabi ay kay Jovelyn, na sinabi po ng PNP ay positive po kay Jovelyn, sa NBI, ang sabi po, partial result ay unfortunately po ay nakakalungkot, positive po kay Jovelyn. Iyan po ang ayon sa report ng NBI," ani Tulfo.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Inaasahan naman na lalabas ang resulta nito sa susunod na linggo.

Matatandaan na nauna nang dumaan sa DNA test ang kalansay sa pangunguna ng Philippine National Police.

BASAHIN: 99.99% confirmed ang DNA: Kalansay ng bangkay na natagpuan, kumpirmadong si Jovelyn Galleno

“Based on the results, the DNA profile obtained from the cut femur (1334-22-A3072) is consistent with having come from the biological offspring of Jelyn Tabangay Galleno, mother of Jovelyn Galleno (1334-22-A3073). The probability of parentage for this case is 99.99%,” resulta ng eksaminasyon ng PNP.

Samantala, sumailalim na umano sa independent polygraph test o mas kilala bilang “lie detector test” ang isa sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dalagang si Jovelyn Galleno, na si Leobert Dasmariñas.

BASAHIN: Suspek sa pagpaslang kay Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas, sumailalim sa lie detector test

Ayon sa inilabas na mga larawan ng “Super Radyo DYSP 909Khz Palawan”, makikitang inihanda ng National Bureau of Investigation (NBI) si Leobert para sa kaniyang lie detector test.

Matapos sumailalim sa polygraph test o mas kilala bilang “lie detector test” ang isa sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dalagang si Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas, dumating din umano ang isa pang salarin na si Jovert Valdestamon upang sumailalim sa naturang eksaminasyon.

BASAHIN: Isa pang salarin sa panggagahasa, pagpaslang kay Jovelyn Galleno, sumailalim sa lie detector test