Inaprubahan na ng gobyermoang₱1 na dagdag-pasahe sa traditional public utility jeepneys (TPUJs) nitong Biyernes.
"In the decision released by the Board today, a₱1 provisional increase was approved forTPUJand Modern PUJ for the first four (4) kilometers," ayon sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Setyembre 16.
Dahil dito, aabot na sa₱12 ang minimum na pasahe sa TPUJ habang₱14 naman ang minimum fare sa MPUJ.
Aprubado rin ng LTFRB ang₱2 na dagdag-pasahe sa bus.
Magiging ₱13 na ang minimum na pasahe sa ordinary bus at₱15 naman ang pamasahe sa air-conditioned bus.
Dinagdagan naman₱5 ang flagdown rate ng taxi attransport network vehicle service (TNVS).
"Upon effectivity of the decision, the minimum fare for Taxis and Sedan-type TNVS will be₱45, while AUV/SUV-type TNVS will be at₱55," ayon sa LTFRB.
"For hatchback-type TNVS, flagdown rate will be₱35. There will be no increase in the succeeding kilometers," ayon pa sa ahensya.
Ang taas-pasahe ay ipatutupad sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at patuloy ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.