Halos 72.8 milyon na ang mga nabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.
Ang naturang bilang ay naitala hanggang Setyembre 14 ng taon, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Setyembre 16.
Sa naturang bilang, nasa 6.8 milyon ang senior citizens habang mahigit sa 9.9 milyon naman ang adolescents.
Nasa 4.9 milyon naman ang mga batang bakunado na rin laban sa virus.
Sa datos ng ahensya, mahigit 18.7 milyong indibidwal na ang nakatanggap ng kanilang first booster dose habang halos 2.6 milyon na rin ang nakatanggap naman ng second booster dose.
Sa ilalim naman ng PinasLakascampaign, sinabi ng DOH na hanggang noong Setyembre 14, 2022, umaabot na sa 30,283 ang nabakunahang A2 o senior citizen mula sa puntiryangn1.07 milyon.
Nakapagbigay na rin umano sila ng first booster dose sa may 2,598,318 indibidwal, mula sa 23 milyong target.
Matatandaang inilunsad ng DOH ang kanilangPinasLakascampaign sa layuningmakapagturokng 23 milyong booster doses sa mga eligible Pinoy bago sumapit ang ika-100 araw sa posisyon ng administrasyong Marcos.