Muli na namang sumadsad ang halaga ng piso kontra dolyar nitong Biyernes.

Ito ay sa gitna ng inaasahang mas agresibong paghihigpit sa monetary policy ng US Federal Reserve upang pababain ang inflation sa pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.

Nagsara ang pinakamababa nitong halaga sa kasaysayan ng Pillipinas ang piso kontra doyarl sa 57.43 nitong Setyembre 16.

Ito na ang ikaanim na pagkakataon na bumagsak ang palitan ng piso sa dolyar.

Nauna nang isinapubliko ng chief economist ng isang banko na si Michael Ricafort, na ang inaasahang mataas na interest rate sa United States ay resulta ng pagtatag ng halaga ng dolyar laban sa pera ng mga bansang nasa Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas.

Nitong Huwebes, iminungkahi naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa gobyerno na ipatigil na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos niya itong ituring na "social at reputational risks."

Idinagdag pa ni Diokno, kayang-kayang sumulong ng Pilipinas kahit wala ang naturang industriya matapos makita ang pagbaba ng kita ng pamahalaan sa nasabing industriya nitong nakaraang taon.