Dokumentado sa isang video ang nagngangalit na misis matapos salakayin at mahuli sa akto ang asawa at kaniyang kabit sa isang private room sa Davao City.

Sa ulat ng GMA News kamakailan, isang retiradong pulis ang suspek habang isa namang aktibong guro ang kasamang kaulayaw.

Sa video na inihanda ng misis, hindi na nakapalag pa ang dalawa sa nagngangalit na legal na asawa.

Arestado ng pulisya ang umano’y mga taksil.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Kasong concubinage at paglabag sa anti-violence against women and their children (VAWC) naman ang isinampa sa hinuling mister.

Nakapagpiyansa naman sa kasong adultery ang nasangkot na guro.

Ayon sa misis, matagal nang hindi tapat ang kaniyang asawa dahilan para mapagpasyahan na niya itong mabitag sa kaniyang sariling bisyo.