Viral ang Dua Lipa cover ni Anne Curtis matapos ang pinag-usapang sing and dance production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV kamakailan.

Sa pagbubukas ng Villar network, isa si Toni sa mga nagbigay ng pilot performance.

Umani ng sari-saring reaksyon ang unang prod ng aktres dahilan para muli na namang may maikumpara ang netizens.

Basahin: Performance ni Toni Gonzaga sa opening ng ALLTV, inulan ng samu’t saring reaksiyon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Habang pinuri ng ilan ang pagbabalik entablado ni Toni, ‘di naman nakaligtas ang brand new TV network sa mga batikos kagaya ng anang netizens na kakulangan sa paghahanda para sana sa inaasahang kalidad ng production number.

Agad namang nag-viral sa Facebook ang performance ni Kapamilya star Anne Curtis sa “Levitating” cover ni Dua Lipa.

Dito ikinumpara ng netizens ang anila’y kapansin-pansing de kalidad na production number ni Anne kumpara sa naging stage comeback ni Toni.

“This is how you do dua, 💅” mababasa sa caption ng isang netizen sa isang Facebook community tampok ang performance ni Anne sa kaniyang "#LuvANNETheComeback noong Hunyo.

Dito pinabilib ni Anne ang maraming netizens na humanga sa parehong naging improvement ng aktres sa kaniyang pagkanta at sa buong stage setup.

“Pero seriously speaking, ang galing na ni Anne, from Sintunado to a Singer talaga, kapag gusto mo talaga at desidido ka magagawan mo ng paraan,” komento ng isang Facebook user.

“She gave justice to dua lipa's levitating💅🏻

“Anne Curtis doesn't have a stable singing voice but when she performs she gives 100% to her craft! Ganito magperform Celestine!”

“Aaaah she is serving!”

“Celestine Gonzaga could never.”

“Lakas talaga kasi ng stage presence ni Anne.”

“Better than Toni's ALLTV performance!”

“She's not a singer but Anne is a great performer/entertainer unlike that washed-out actress.”

“Slayed from head to toe.”

May kasalukuyang mahigit 53,000 reactions na ang naturang post sa Facebook.