San Nicolas, Ilocos Norte -- Rumesponde ang mga awtoridad dito kaugnay ng naiulat na aktibidad ng iligal na pagsusugal na nagresulta sa pagkakaaresto sa pitong suspek kasama ang isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at pawang residente ng Brgy. 6 San Juan Bautista.

Nahuli sila sa aktong naglalaro ng baraha gamit ang bet money sa Brgy. 24 Sta Monica, ng munisipalidad na ito, sa isang palayan sa isang Nipa hut bandang 3:15 ng hapon, Setyembre 15.

Pito ang arestado at isa rito ay miyembro ng 4Ps.

Kaugnay nito, tuluyang aalisin sa nasabing programa ang miyembrong nasangkot sa iligal na gawain gamit ang tulong pinansyal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska sa mga suspek ang 52 pirasong Playing Cards na may markang “condor” at bet money na nagkakahalaga ng PHP 5,270.00 sa iba't ibang denominasyon.

Dinala sa istasyon ng pulisya ang mga suspek para sa dokumentasyon.