Isang tuko ang naispatang umakyat sa poste, lumalambitin at nakakapit sa mga kawad ng kuryente ng CASURECO II sa Naga City nitong Martes, Setyembre 13, dahil ito lang naman ang dahilan kung bakit nagkaroon ng power interruption sa ilang mga barangay.

"PAGLIWANAG: Nakuanan nin video kasubangi kan mga lineman kan CASURECO Dos habang nagtritrace up kan linya sa Brgy. Carolina, Naga City an sarung tuko na naglalakaw sa primary line kan CASURECO Dos asin ini si nagkawsa nin pagwara-wara kan kuryente sa Feeder 51. Salamat po," paliwanag ng CASURECO II, na ang ibig sabihin, isang tuko ang naispatang palambi-lambitin sa mga kawad ng kuryente kaya pansamantalang inalis ang power supply upang maalis ito.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kasamaang-palad, natusta ang tuko matapos itong makuryente.

Nawalan ng suplay ng kuryente ang mga barangay ng San Isidro, Carolina, Panicuason, Del Rosario, Cararayan, at Pacol. Kaagad namang naibalik ang kuryente pagkaraang maalis ang sunog na katawan ng tuko.