Isa sa mga kasangkapang malaki ang naitulong sa mga tao noong wala pang desktop computer, laptop, at iba pang mga gadget ay ang "makinilya" o typewriter. Sa lahat ng mga tanggapan o maging sa mga paaralan, ito ang madalas na ginagamit sa pagbuo ng mahahalagang dokumento.
Kaya naman, muling sinariwa ng mga netizen ang paggamit ng makinilya sa Facebook page na "Nostalgia Philippines" matapos itong ibahagi ng isang netizen na nagngangalang "Teresa Morelos".
"Kung dati typewriter ang uso, ngayon… laptop na," aniya.
"Noong high school ako, naiisip ko, bakit 'ribbon' ang tawag sa carbon niya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Yes.. nabili pa ako ng ribbon niyan sa National Bookstore… tapos may case pa na lagayan 'yan para doon ilagay kung saan ko man siya dalhin, 'yon lang mabigat! Pero nakaka-miss!"
"I remember, BROTHER ang brand ng typewriter namin noon 😊. Ang tigas ng keys at maingay gamitin. Pero nakaka-miss din ah, not sure kung mabilis pa rin akong mag-type diyan haha.
"Miss ko na ang typewriter! May gumagamit pa ba nito?"
"Naabutan ko pa to. Madalas noon sa mga government office na ginagamit pa 'to. Ang nagamit ko talaga sa typing class namin yong electric na…"
"Grade 5 ko pinakialaman yung typewriter ni Lolo tapos lagi daw ubos ribbon, paano, lahi ko tina-type yung lyrics ng mga kantang gusto ko wala kasi akong pambili ng song hits!"
Ang makinilya ay mechanical o electromechanical machine na nagpauso ng typing characters na "QWERTY" na naging standard na rin sa lahat ng may keyboards. Noon pa mang 1575 ay naisip na ng tao ang typing, ngunit noong bandang 1800, dito na nagsimulang mag-develop ng mga makinang maaaring magamit sa typing. Noong 1829, itinuring na "first typewriter" ang imbensyon ni William Austin Burt na "typographer", at sabi nga, the rest is history.
Sa paglaganap ng desktop computers at laptops ay naging display na lamang sa mga bahay o tanggapan ang makinilya.